Equality Ombudsman
Ang ombudsman ay isang opisyal na malaya at independiyenteng awtoridad, na ang tungkulin ay upang maitaguyod ang pagiging pagkapantay-panatay at upang mamagitan sa anumang diskriminasyon. Ang tungkulin din ng Equality Ombudsman ay ang pagiging pambansang tagapag-ulat sa Finland tungkol sa Kalakalang Pangtao at tagapamahala sa pagpapatupad ng pagpapaalis mula sa bansa. Kasama na rin sa tungkulin ng Equality Ombudsman ay ang pagsubaybay at pagsulong ng katayuan at karapatan ng mga dayuhan. Ang saklaw ng tungkulin at gawain ng Equality Ombudsman ay malawak. Pinagsama ng iba`t-ibang mga gawain ang pagsubaybay at pagsulong sa pangunahin- at karapatang pangtao.
Mamagitan sa Diskriminasyon at Itaguyod ang pagiging Pantay-pantay
Ang pangunahing gawain ng Equality Ombudsman ay itaguyod ang pagiging pantay-pantay ganun din ang pagpigil at matugunan ang diskriminasyon. Ang tungkulin ng Equality Ombudsman ay tantiyahin at tiyakin, na ang karapatang pangtao ay masunod at maisakatuparan nang pantay hangga´t maaari. Ang tungkulin at saklaw na kapangyarihan na gawain ng Equality Ombudsman ay nakasulat sa Equality Act at sa Batas ng Equality Ombudsman.
Sa pagsasagawa, ang gawain ng Equality Ombudsman ay halimbawa pagbibigay ng payo, pagsisiyasat sa mga indibidwal na mga kaso, maisakatuparan ang pagkakasundo sa pagitan ng bawa´t panig, pagsasanay, pagkokolekta ng mga impormasyon at maging impluwensiya sa batas at sa pagsasagawa ng gobyerno. Ang ombudsman ay may maraming ginagawang pakikipagkooperasyon sa mga grupong may kinalaman sa kanyang tungkulin at mga gawaing nagbibigay ng impluwensiya upang maitaguyod ang pagiging pantay-pantay at upang maiwasan at mapigilan ang diskriminasyon.
Maaaring makipag-ugnayan sa Equality Ombudsman, kung kayo ay nakakaranas o may napapansin na diskriminasyon sa batayan ng edad, pinagmulan, nasyonalidad, wika, relihiyon, paniniwala, opinion, aktibidad sa politika, aktibidad ng unyon sa kalakalan, pampamilyang relasyon, kalusugan, kapansanan, oryentasyong sekswal o anumang iba pang personal na dahilan.
Pagbibigay- ulat ng Ombudsman tungkol sa Kalakalang Pangtao
Ang Equality Ombudsman ay gumaganap bilang pambansang tagapag-ulat ng Finland tungkol sa Kalakalang Pangtao. Ang gawain ng tagapag-ulat sa Kalakalang Pangtao ay upang maisagawa ang gawain hinggil sa Kalakalang Pangtao sa Finland sa pamamagitan ng malaya at walang inaasahang partido. Ang hangarin ng gawain ng tagaulat ay upang maitaguyod ang pagkakakinlanlan ng mga biktima ng Kalakalang Pangtao, na mabigyan sila ng tulong at ang kanilang mga karapatan ay maisakatuparan. Halimbawa, ang ombudsman ay magsasagawa ng mga paglilinaw tungkol sa Kalakalang Pangtao at mga kaugnay nitong mga kababalaghan. Ang ombudsman din ay maaaring magbigay ng mga ligal na payo at sa hindi karaniwang mga pangyayari, ang ombudsman ay maaaring tumulong sa mga naging biktima ng Kalakalang Pangtao sa korte.
Tagapamahala sa Pagpapatupad ng Pagpaalis sa Bansa
Ang isa sa mga gawain ng Equality Ombudsman ay ang pagbabantay bilang isang panlabas at malayang awtoridad sa pagpatupad ng pagpapaalis at pagpapabalik ng mga dayuhan sa bansa.
Ang pangunahing gawain sa pagbabantay ng Equality Ombudsman ay magawan ng pagsusuri ang pagpapatupad ng mga pinababalik ayon sa pangunahin at pananaw ng karapatang pantao.
Karaniwan sa gawaing pagbabantay, ito ay maaaring mag-iba sa lawak ng mga nasasaklawang lahat na gawain sa pagtugon sa pagpapaalis sa bansa, o sa ilan lamang na bahagi o yugto ng pagpapaalis. Ang kalahating bahagi sa gawaing pagbabantay ay ang mga pagpapabalik, kung saan ang mga pulis ay kasama ng mga taong pinababalik. Tinutuonan na rin sa gawaing pagbabantay ay ang mga nilalang na nasa bulnerableng kalagayan ganun din ang mga bansa na may paghahamon (katulad ng Afganistan at Irak) sa mga pinababalik at mga pinababalik, kung saan may malaki ang panganib sa paggamit ng puwersa.
Ang Equality Ombudsman ay walang kapangyarihang suspindihin ang pagpapabalik, makialam sa pagpapatupad ng pagpapabalik, gumamit ng puwersa o sa panahon ng pagpapabalik.
Pagsulong ng mga Karapatan ng mga Dayuhan
Sa mga gawain ng Equality Ombudsman ay kasama ang pagsulong ng katayuan at mga karapatan ng mga dayuhan. Dagdag pa rito, sa ilalim ng Alien`s Act, ang ombudsman ay may natatanging ginagampanang papel bilang tagadagdag ng mga ligal na karapatan ng mga dayuhan at tagasubaybay ng kanilang mga karapatan upang maisakatuparan ang mga ito. Ang ombudsman ay may karapatang marinig mula sa mga paisa-isang mga kaso ng asylum seeker o sa mga bagay tungkol sa pagpapaalis ng isang dayuhan. Ang ombudsman din ay may malawak na karapatang makuha ang mga impormasyong nauukol sa mga bagay para sa dayuhan. Ang Ombudsman ay maaaring makuha ang nauukol na pangpersonal na rehistro ng dayuhan (Alien`s registry) at may karapatan ding makakuha ng kaalaman tungkol sa lahat na mga ginawang desisyon ng opisina ng Imigrasyon at ng Administrative Rights Alien`s Act.
Diskriminasyon
Ang diskriminasyon ay ang pagturing sa isang tao na hindi maayos kaysa iba na binabatayan ay ang pangpersonal na katangian o kaugalian. Ang lahat na tao ay may karapatang ituring na pantay-pantay at ang diskriminasyon ay pinagbabawal sa marami nating mga pambansang batas, sa pagkapantay-pantay at sa Kriminal na Batas ganun din sa pandaigdigang mga Karapatang Pantao. Ayon sa ilalim ng Equality Act, walang sinumang dapat idiskrimina dahil sa edad, pinagmulan, nasyonalidad, wika, relihiyon, paniniwala, opinion, aktibidad sa politika, aktibidad ng unyon sa kalakalan, pampamilyang relasyon, kalusugan, kapansanan, oryentasyong sekswal o anumang iba pang personal na dahilan.
Ang diskriminasyon ay ang pagturing sa isang tao na hindi maayos kaysa iba na binabatayan ay ang pangpersonal na katangian o kaugalian. Ang lahat na tao ay may karapatang ituring na pantay-pantay at ang diskriminasyon ay pinagbabawal sa marami nating mga pambansang batas, sa pagkapantay-pantay at sa Kriminal na Batas ganun din sa pandaigdigang mga Karapatang Pantao. Ayon sa ilalim ng Equality Act, walang sinumang dapat idiskrimina dahil sa edad, pinagmulan, nasyonalidad, wika, relihiyon, paniniwala, opinion, aktibidad sa politika, aktibidad ng unyon sa kalakalan, pampamilyang relasyon, kalusugan, kapansanan, oryentasyong sekswal o anumang iba pang personal na dahilan.
Ang diskriminasyon ay ang pagturing sa isang tao na hindi maayos kaysa iba na binabatayan ay ang pangpersonal na katangian o kaugalian. Ang lahat na tao ay may karapatang ituring na pantay-pantay at ang diskriminasyon ay pinagbabawal sa marami nating mga pambansang batas, sa pagkapantay-pantay at sa Kriminal na Batas ganun din sa pandaigdigang mga Karapatang Pantao. Ayon sa ilalim ng Equality Act, walang sinumang dapat idiskrimina dahil sa edad, pinagmulan, nasyonalidad, wika, relihiyon, paniniwala, opinion, aktibidad sa politika, aktibidad ng unyon sa kalakalan, pampamilyang relasyon, kalusugan, kapansanan, oryentasyong sekswal o anumang iba pang personal na dahilan.
Ako ba ay nadiskrimina?
Ang pagiging diskriminado kadalasan ay mahirap at emosyonal na karanasan. Kung ang hinala ninyo ay nakakaranas kayo ng pagdiskrimina, dito sa Finland ay may maraming mga tao o kilusan, kung saan maaaring makipag-ugnay, at maaari silang makatulong sa inyo upang masuri ang inyong sitwasyon. Ang tao minsan ay mahirap masuri ang sarili, kung mayroon bang sitwasyong nangyayaring labag sa batas na diskriminasyon. Ang Equality Ombudsman ay susuriin ang inyong kaso ayon sa Equality act. Ang pagsusuri ng diskriminasyon ay masisimulan sa pamamagitan ng pagkilala ng iba´t-ibang uri ng pagtrato. Malalaman ang iba´t-ibang uri ng pagtrato sa pamamagitan ng tanong na: ako ba ay itinatratong magkaiba kumpara sa ibang tao? Ang iba´t-ibang pagtrato sa mga tao ay hindi mismo ipinagbabawal. Ipinagbabawal lamang, kung ang dahilan ng pagtrato ay batay sa ipinagbabawal na batayan ng diskriminasyon laban sa tao. Dagdag pa rito, na ang kaso ay may ipinakikitang katibayan, na ang binabatayan ng iba´t-ibang pagtatrato ay dahil sa ipinagbabawal na partikular na batayan ng diskriminasyon. Ang halimbawa rito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa kustomer na ang batayan ay dahil sa pinagmulan ng kustomer o kapansanan na nagiging batayan ng kakaibang pagtrato.
Kung kayo ay makikipag-ugnay sa Equality Ombudsman
Ang mga dalubhasa sa tanggapan ng Equality Ombudsman ay sinusuri nila ang lahat na natatanggap ng ombudsman na mga pakikipag-ugnay tungkol sa diskriminasyon. Kahit na ang isang tao kung sa palagay niya ay nakakaranas ng pagiging biktima ng diskriminasyon, ngunit hindi ito kinakailangang diskriminasyon ang kahulugan sa Equality Act. Sa ganitong mga sitwasyon, ang Equality Ombudsman ay walang kapangyarihang suriin ang bagay na ito. Dito ay sapat na ang isa may awtoridad ang siyang sumuri sa sitwasyong ito. Ang Equality Ombudsman din ay walang kapangyarihang suriin ang mga pangisa-isang kaso ng diskriminasyon sa trabaho. Ang Equality Ombudsman sa kabila ng kakulangan ng mapagkukunan ay may hangarin pa ring tumulong sa mga nakikipag-ugnay sa kanila hangga´t maaari. Kung ang ombudsman ay hindi kumilos sa iyong kaso, ang serbisyo para sa mga kustomer ay magbibigay ng payo, kung saan maaaring makakuha ng tulong. Ang karanasan sa hindi makatarungang pagtrato ay hindi palaging diskrimina. Ang Equality Ombudsman ay hindi rin maaaring bumawi at iurong ang pasyang ginawa ng ibang awtoridad.
Serbisyo para sa Kustomer
Maaari kayong makipag-ugnay sa Equality Ombudsman:
- Sa pamamagitan ng pagsulat sa contact form (sa kaso ng diskriminasyon)
- Sa pamamagitan ng pagpadala ng email sa: yvv(at)oikeus.fi
- Sa pagtawag sa numerong pang-emerhensiya. Ang serbisyong pang-emerhensiya ay bukas tuwing Martes, Miyerkules at Huwebes ika-10 – 12 tel. 0295 666 817
- Magpadala ng sulat
- Makipag-chat tuwing Lunes at Miyerkules mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon saka tuwing Biyernes mula 10:00 hanggang 12 ng tanghali (sa aming website)
- Kung makikipagkita na personal ay kailangang makipag-ugnay muna
Ang tanggapan ng Equality Ombudsman ay magsisilbi sa inyo sa wikang finnish, swedish at englis. Kung kinakailangan ninyo ay maaaring makipag-usap din sa ibang wika. Ang mga serbisyo ng tanggapan ay libre. Ang mga kawani ng tanggapan ng Equality Ombudsman ay mayroong katungkulan sa pagiging kumpidensiyal halimbawa tungkol sa mga sensitibong bagay na may kaugnayan sa pribadong buhay.
Kung ang iyong kaso ay may kaugnayan sa diskriminasyon
Ang Equality Ombudsman ay maaaring kontakin, kung ikaw ay nakakaranas o nakakita ng pagdiskrimina. Ang Equality Ombudsman ay nagbibigay payo at gabay, saka maaaring tumulong upang malinaw ang hinala tungkol sa diskriminasyon.
Kung ang kaso ninyo ay may kinalaman sa Kalakalang Pangtao, sa pagbantay ng pagpaalis sa bansa o mga bagay tungkol sa dayuhan
Ang Equality Ombudsman ay hindi gumaganap na tagabantay ng mga taong may kaso ng pagpapaalis sa bansa o gumagawa ng pagiging tagaulat tungkol sa Kalakalang Pangtao.
- Kalakalang Pangtao na mga bagay ay maaaring makipag-ugnay sa pamamagitan ng email yvv(at)oikeus.fi
- Ang mga naging biktima ng Kalakalang Pangtao ay may karapatang makatanggap ng tulong mula sa Sistema ng pagtutulong para sa mga biktima ng Kalakalang Pangtao: http://www.ihmiskauppa.fi./
- Ang mga biktima ng Kalakalang Pangtao ay binibigyan din ng tulong mula sa ilang mga samahan katulad ng Serbisyong Suporta sa Biktima, Pagpapayo sa mga Takas, Pro-Support Point at Monika-Naiset.
- Tungkol sa pagbantay ng pagpapaalis sa bansa na mga bagay ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email yvv(at)oikeus.fi
- Tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mga dayuhan ay maaaring makipag-ugnay sa pamamagitan ng email yvv(at)oikeus.fi
Pakikipag-ugnay:
Email (serbisyo sa kustomer at pagpapatala): yvv(at)oikeus.fi
Pakikipag-ugnay sa medya / pagmemensahe: viesinta.yvv(at)oikeus.fi
Mga bagay na may kaugnayan sa Kalakalang Pangtao: yvv(at)oikeus.fi
Mga bagay na may kaugnayan sa pagbabantay sa pagpapaalis sa bansa: yvv(at)oikeus.fi
Email ng mga kawani: [email protected]
Numero ng telepono:
Serbisyo sa kustomer: 0295 666 817 (pagsagot sa telepono ay bukas mulang Martes – Huwebes ika-10 hanggang 12 ng tanghali)
Palitan ng numero: 0295 666 800
Pakikipag-ugnay sa medya / pakikipagmensahe: 0295 666 813 o 0295 666 806
Fax: 0295 666 800
Adres:
Adres sa koreyo: Yhdenvertaisuusvaltuutetun toimisto PL 24 00023 Valtioneuvosto
Adres sa pagbisita: Ratapihantie 9, Helsinki